AY! IYO?

T-Pain feat. Wiz Khalifa & Lily Allen - “5 O’Clock” - Lyrics

condolence

yan na lang siguro ang kaya mong sabihin sa taong namatayan, dagdagan mo pa ang pam palubag loob linya na “magiging ok din ang lahat”, wag mo nga palang tatanungin ang taong namatayan ng OK ka lang? dahil baka malaki ang impluwensya sa kanya ni Vice Ganda na, t@#@! mo, namatayan na nga ako, tatanungin mo ako kung ok lang ako? eh kung tatay mo kaya ang namatay? ok lang din ba?

namatay pala ang tatay ng classmate ko nung elementary, hindi ko alam kung bakit, ngayon ko lang din nalaman at bukas na agad ang libing… nakakalungkot kasi mabait ang pamilya na ‘yon sa akin, ganun lang talaga siguro ang buhay.

eto ang pumasok sa isip ko kanina eh,  swerte pa din ako, kami..

inisip ko yung mga nangyari sa pamilya ko nitong mga nakaraan na buwan..

yung tatay ko na.. nag bigay ng huling habilin habang kinakapos ng hininga sa ospital, nag bilin sya kung saan sya ililibing , na kaming mga anak nya eh wag daw mag aaway.. yung nanay ko lang ang kasama nya dun sa ospital, halos himatayin na base sa sinabi ng mga nurse sa amin.

yung nanay ko na kung kelan naging 66 (67?)years old na eh tsaka naman na operahan sa gallblader na admit sa ospital halos 2 linggo, at makalipas lang ng isang buwan (yata) na admit na naman sa ospital dahil sa pag lala ng diabetes halos 1 linggo din sya sa ospital.

hindi ko naman sinasabi na malas yung mga namamatayan, pero diba.. isang pasko na naman na kumpleto yung pamilya namin. :D

hehehe, tengene…

abakadamachine replied to your post: kung bibigyan kita ng balisong..

hmmmnnn sakin ano, Balisong by rivermaya lol

kung bibigyan kita ng balisong..

anong klase ng balisng ang gusto mo?

balisong key chain?

o yung 29 na balisong?

o yung BOKER KNIFE nalang?

kelangan ko ang tulong nio.. please

Greys Anatomy Season 8 episode 24

eto yung eksena na talagang kinalabutan ako, eksena kasi nito ay noong dadalhin na ni Dr. Miranda Bailey si Dr Charles sa operating room, nag karoon kasi ng shoot out sa loob ng ospital tapos isa sa mga biktima si Dr. Charles, dahil maraming biktima.. kinailangang patayin ang elevator para hindi makatakas ang suspect pero dahil wala ngang elevator hindi nila nagawang dalhin si Charles sa O.R.

Sabi ni Dr. Charles kay Bailey i inform sya kapag mamatay na sya, pero dahil hindi basta basta sumusuko si Bailey at hindi sya natataranta sa mga emergency lagi niang sinasabi doon sa isang nyang pasyente at kay Charles na hindi sya mamatay, pero dahil nga walang elevator na mag dadala sa kanila sa O.R namatay si D.r Charles.

Sabi ni Dr Bailey kay Charles na hindi sya mamatay na nag iisa. Ang genius lang diba?everything is fine.. ang ganda ng takbo ng trabaho mo, marami ka ng kaibigan tapos sa isang iglap.. pwedeng syang mawala..

at genius lang kase paano mo sasabihin sa isang tao na mamatay na sya,tapos yung tao na yun eh takot pang mamatay, paano mo i re relax ang isip ng taong takot takot?

basta.. diba.. eto yung lagi kong sinasabi eh, walang may gustong mamatay, pero hindi pu pwedeng wala, kailangang may mamatay.

PANCIT CANTON ala BATANGENEO
kakapagod umuwi sa bahay, gustuhin ko mang matulog dun, hindi pwede dahil may trabahao pa din ako..
i dadaan ko nalang sa pag kain

PANCIT CANTON ala BATANGENEO

kakapagod umuwi sa bahay, gustuhin ko mang matulog dun, hindi pwede dahil may trabahao pa din ako..

i dadaan ko nalang sa pag kain

isang babae ang humingi ng kahilingan sa kanyang fairy godmother

fairy godmother: ano ang iyog kahilingan
babae: gusto kong magustuhan ako ng mga lalake, yung kahuhumalingan yung laging nilang babanggitin ang aking pangalan.
fairy godmother: oh sige, gagawin kitang DOTA

sinong bang gustong mamatay?

o mamatayan?

diba, wala naman..

pero kung walang mamatay at walang mamatayan edi over populated na ang mundo?

so.. kung ano man ‘tong tumatakbo sa isip ko .. ay normal!!!

inihahanda ko lang ang sarili ko.

"Diligin mo ng suka ang tuyo kong lumpia!"
Bella Flores, Patigasan Ang Labanan (1990)